Bimby Yap

WALA na talagang kumabog sa The Amazing Praybeyt Benjamin bilang top-grosser sa nakaraang MMFF.

Kumita ng P415-M sa takilya ang pelikulang ito nina Vice Ganda at Bimby Yap at nasa top 2 naman ang Feng Shui 2 nina Kris Aquino at Coco Martin kaya nagkaroon ng double thanksgiving party ang Star Cinema last weekend for their big success.

To the surprise of many na um-attend sa pa-thank you party ng Star Cinema ay ang isang bahagi ng speech ni Bimby addressed to Ms. Malou Santos, head ng Star Cinema. Ani Bimby, “Thank you Tita Malou for my new solo movie.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tuloy, nalaman na may nilulutong project for the child superstar na kanyang pagbibidahan ngayong 2015.

Kaya nang makatsikahan ng ilang writers si Kris sa party, no choice na siya kundi aminin na meron ngang regalong solo movie for her son ang Star Cinema.

Hindi pa plantsado kung sinu-sino ang big stars na makakasama ni Bimby sa kanyang first solo film pero tiniyak ng Star Cinema na Bimby will be portraying himself sa nasabing project.

Bago simulan at i-announce ang buong cast na makakasama ni Bimby, at bilang paghahanda sa mas malaking assignment, sasalang muna si Bimby sa daily morning show ng ina, sa KrisTV. Binigyan ng sariling segment ang bagets na pangkabataan ang mga paksang tatalakayin.

Nang tanungin si Bimby kung ano ang unang topic na gusto niyang pag-usapan sa kanyang segment, ang sabi ng 7 year-old best child actor ng 13th Gawad Tanglaw ay gusto niyang i-try ang Parkour.

Ang Parkour ay isang holistic training discipline na kasali ang ilang obstacle courses gaya ng running, climbing, swinging, jumping, rolling, at iba pa depende raw on what movement is deemed more suitable for the given situation.