Roger Federer

BRISBANE, Australia (AP)- Pinasan ni Roger Federer ang Brisbane International final tungo sa engrandeng okasyon, nang biguin ang up-and-coming star na si Milos Raonic sa tatlong see-sawing sets at irehistro ang kanyang ika-1,000 career match win.

Ito ang grand number para sa 17-time Grand Slam champion, ang natatanging manlalaro matapos sina Jimmy Connors (1,253) at Ivan Lendl (1,071) na magwagi ng 1,000 times beses sa men’s professional tour.

‘’Clearly it’s a special day for me, winning a title plus getting to the magic number of 1,000,’’ pagmamalaki ni Federer makaraan ang kanyang 6-4, 6-7 (2), 6-4 win kontra sa third-seeded na si Raonic. ‘’It feels very different to any other match I’ve ever won. All those (milestone) numbers didn’t mean anything to me, but for some reason 1,000 means a lot because it’s such a huge number. Just alone to count to 1,000 is going to take a while.’’

First Lady, unang hinanap si PBBM matapos panoorin Hello, Love, Again<b>— Alden</b>

Sadyang klarong mapasakamay ni Federer ang milestone bago pa man ang Australian Open, hinadlangan ang serve ni Raonic sa third game at muli sa opening game ng ikalawang set. Humirit ito ng walo sa kanyang eventual 21 aces sa unang in set, kinuha ang big-serving at lakas ng Canadian. Lumalabas na komportableng mapapanalunan ni Federer ang laro sublait sadyang nakipagsabayan si Raonic, partikular na sa ikaapat na laro sa ikalawang set.

Muling nagkaroon ng tsansa si Federer upang kunin na ang panalo, naisakatuparan ang maagang mini-break sa tiebreaker, subalit muling nakipagsabayan si Raonic upang mapagwagian ang pitong sunod na puntos at itabla ang laban.

Rumesponde ang 33-anyos na Swiss star sa pamamagitan ng pagsilbi sa ace upang buksan ang third set, ngunit kinailangan niya ang lahat ng ekspiriyensa upang maisalba ang tatlong break-point chances sa nasabing mahabang laro.

Nagpatuloy ang tensiyon kung saan ay napuwersa si Raonic na isalba ang dalawang break points sa bawat ikaapat at ikaanim na laro, subalit naimintis ang dalawang chances sa serve ni Federer sa fifth.

Tanging isang puntos ang nagyari laban sa serve sa sumunod na tatlong mga laro hanggang sa manatili si Raonic sa kanyang serve. Angat ito sa 30-15 nang maisagawa ni Federer ang pin-point topspin lob na pumuwersa sa error, kasunod ang double-fault na siyang una sa set kay Raonic at ikaapat sa match, upang ibigay kay Federer ang championship point.

Humantong sa net ang forehand ni Raonic sa sumunod na punto, kung saan ay agad na itinaas ni Federer ang kanyang mga kamay upang ipabatid ang ‘’Federer 1,000’’ kung saan ay naglabasan ang placards at red-and-white Swiss flags na iwinagayway sa kabuuan ng Pat Rafter Arena.

‘’Looking back it’s almost nicer winning this way through a tight match with nerves and humid conditions against a great player in a final,’’ pahayag ni Federer. ‘’It means so much more than just running away with it. I guess I was much more happy having to go three sets in the end.’’

Sinabi ni Raonic na ginawa na niya ang lahat ngunit sadyang ‘di niya mapigilan si Federer. Ito ang ikalawang pagkakataon na nabigo si Raonic sa kanilang ikawalong head-to-heads.