Isang preso ang dinampot ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) at Muntinlupa City Police nang muling mag-inspeksiyon sa loob ng Maximum Security Compound (MSC) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Dakong 6:30 ng umaga nang dumating sa NBP-MSC ang 50 tauhan ng tatlong ahensiya na pawang naka-full battle gear kaugnay pa rin ng pagsabog ng MK-2 fragmentation grenade sa oblo ng Commando gang sa Building 5-B, dakong 9:55 ng umaga nitong Huwebes.

Hindi kasama sa paglusob ng operatiba si Justice Secretary Leila de Lima sa Building 4, 5 at 8 ng MSC na ang pakay ay hanapin ang responsable sa paghahagis ng granada na ikinamatay ng isang preso at ikinasugat ng 19 na iba pa, gayundin ay kinumpiska ang natitirang kontrabando sa loob ng pambansang piitan.

Dahil sa naturang raid, nagpatupad ng total lock down sa mga preso sa NBP at isang bilanggo umano ang dinampot, pinosasan at isinakay sa nakahimpil na mobile patrol car ng pulisya.

First Lady, unang hinanap si PBBM matapos panoorin Hello, Love, Again<b>— Alden</b>

Hindi naman tinukoy ng awtoridad ang pangalan ng dinampot na inmate na pinaniniwalaang naghagis ng granada sa oblo ng Commando gang.