Pokwang at Lee O'brien

SA guesting sa Gandang Gabi Vice ni Pokwang at ng leading man niyang si Lee O’Brien sa pelikulang Edsa Woolworth, napansin ng lahat sa studio na may kakaibang body language ang dalawa sa isa’t isa.

Pinupunasan kasi ni Pokwang ang pawis sa mukha si Lee dahil natatamaan ng malalakas na ilaw sa studio at ito rin ang ginawa ng komedyana sa presscon ng Edsa Woolworth na ginanap naman sa 9501 Restaurant noong Huwebes ng tanghali.

Nang tanungin ni Vice si Lee kung may plano siyang magtagal sa Pilipinas, ang sagot niya, “If she (Pokwang) wants me to stay.”

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Kaya naman nag-feeling super long hair at nagpa-cute si Pokie na nagpahiyaw sa live audience sa studio.

Hindi naman yata gumigimik lang si Lee para kagatin ang pelikula nila kasi seryoso naman ang pagsagot niya sa lahat ng tanong ni Vice.

Nabanggit din na noong ginagawa pa lang nila ang pelikula sa San Francisco ay may tsikang nagdi-date na sina Pokwang at Lee kaya tinanong ang aktres kung ano ang real score nila.

Sa presscon ng Edsa Woolworth, sinabi ni Pokie na sobrang magkaibigan sila ni Lee dahil maski tapos na ang pelikula ay nagkakausap pa rin sila.

“Kahit nun’g may bagyo, sobrang concerned siya, nag-aalala siya, ‘kumusta kayo diyan?,’ di ba? Hindi kami dahil may shooting lang, may project lang (kaya) may communication, no. After ng ano, tuloy pa rin,” say ng aktres.

After naman ng Q and A sa presscon ay umamin na rin si Pokie, “Oo, yes (MU). ‘Di ba, napaka-gentleman niyang tao, sobrang napakabait?”

Sa madaling salita ay may long distance relationship sila.

“Nakaka-adjust naman ako nang bonggang-bongga. ‘Buti na lang, maraming trabaho. Okay lang, basta hindi ako naiirita,” katwiran ng komedyana.

Ano ang nagustuhan ni Lee kay Pokwang, “Number one, she’s a gorgeous woman. Second, the ability to be very compassionate but also light-hearted. Someone who can sway from seriousness to funniness, that’s not a skill, that’s a gift.

“There’s a lot of chemistry between us. I think we get along really well as friends, I think we get along really well as actors and both have mutual respect to the profession and on personal level, yeah, definitely, there’s a lot of connection.”

Hmmm, malalaman natin kung mag-stay dito si Lee, ibig sabihin seryoso siya kay Pokwang, ‘pag hindi waley talaga.

Sa Enero 14 na mapapanood ang Edsa Woolworth mula sa direksyon ni John-D Lazatin kasama sina Prince Saruhan, Lee Robin Salazar, Princess Ryan at Ricci Chan mula sa Star Cinema at The Filipino Channel (TFC).