Kilala rin kaya ni Ilocos Norte Governor Maria Imelda “Imee” Marcos ang tinaguriang mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles?

Sa pagdinig ng Sandiganbayan Third Division sa petisyon ni Napoles na makapagpiyansa, sinabi ng whistleblower na si Mary Arlene Baltazar na ilang beses dumaan si Marcos sa tanggapan ng JLN Corporation ni Napoles sa Discovery Suites sa Pasig City noong hindi pa nabubuking ang kontrobersiyal na multi-bilyong pisong pork barrel.

Nang tanungin ni Third Division Associate Justice Alex Quiroz, kabilang si Marcos sa mga pulitiko na pinangalanan ni Baltazar na personal niyang nakitang nagpunta sa opisina ng JLN.

Bukod kay Marcos, sinabi ni Baltazar na nakita rin niya nang dalhin ni Napoles si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada sa anniversary party ng JLN noong 2010 o 2011.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang iba pang pulitiko na dumalo sa nasabing pagtitipon ay isang “Congressman Plaza” at isang “Congressman Estrella.”

Dating itinalaga ni Napoles bilang pangulo ng Tanglaw Para sa Magsasaka Foundation, isang pekeng non-government organization (NGO), sinabi ni Baltazar sa korte na nakipagtransaksiyon ang kanyang NGO sa Department of Agriculture.