SAN PASCUAL, Batangas— Pinagsisihan ng isang kawatan ang pagdaan nito sa tapat ng barangay hall kung saan siya nakita at nahuli ng mga tanod habang tinangay ang ninakaw na mga panabong sa San Pascual, Batangas.

Ayon sa report ni PO1 Mark Kevin Panganiban, bandang 1:00 ng umaga noong Enero 5, naglalakad ang suspek na si Mark John Manongsong, 24, residente ng Batangas City, bitbit ang isang kahon at nang sitahin ng mga tanod sa tapat ng barangay hall ng Sta. Rita, Batangas City.

Napaamin umano ang suspek na ninakaw niya ang mga panabong na manok mula sa bahay nina Jonathan Barola, at Jaime Dolor, kagawad at residente ng Barangay Bayanan, San Pascual.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho