MAY kasabihang you cannot please everybody. Sa libu-libong dumagsa para makita sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ‘meet and greet’ na ginanap sa Italy, isang nagmamaasim na fan ang nag-post sa social media na kesyo nag-walkout ang hottest teen love team dahil sa pagkakagulo ng ilang fans.

Ni hindi raw nabigyan ng sapat na oras ang mga nagpunta sa venue para makita sila nang personal. Wala pa raw isang oras na nagtitipun-tipon ang fans ay bigla nang tumalilis ang dalawa at iniwan na lang basta ang fans.

Naalarma ang Star Magic kaya nag-release sila ng statement para sagutin ang sumbong ng fan sa social media.

“All Star Magic artists go to great lengths to please and satisfy the various audiences and fans. The meet and greets are a concession to the local producers who use them as a marketing device. They are run by the producers and often the artists have little or no control over how they are run,” saad sa statement na ipinadala.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinigurado rin ng talent agency na hindi na mauulit ang nangyari sa darating pang events ng Star Magic.

“Nevertheless we regret that there is at least one disgruntled fan and will try and make sure that incidents like this are not repeated.”

Kumilos din ang KaDreamers (version ng KathNiel sa Italy) para ipagtanggol ang kanilang idolo sa lumutang na isyu sa pamamagitan kanilang Twitter account: “First of all HINDI PO NAG-WALKOUT ANG KATHNIEL, management & producers po ang nag-decide na itigil and naturang meet & greet dahil sa hindi pakikipag-cooperate ng nanonood at dahil na rin sa mga nakipila kahit hindi naman VIP, dahil din sa mga pabalik-balik o paulit-ulit sa pila.”

Sabi pa ng KaDreamers, naroroon din ang ilang KathNiel’s team na magiliw na in-accomodate with Tita Min (nanay ni Kathryn) taliwas sa sinasabi ng dismayadong fan na sila’y taken for granted sa nasabing pagtitipon.

“Masaya kaming nakita namin ulit ang KathNiel at hindi totoong nagtampo kami dahil ‘di nakuha ang cake, sa katunayan after the concert we celebrated its success and also Tita Min’s birthday in a pizza hauz dahil ‘yun ang kagustuhan ng lahat.”

Sa bandang huli, napatunayan ng fan group na hindi pala kagrupo ang nasabing fan, kaya’t ito ang mensahe ng KathNiel at KaDreamers sa naturang fan:

“Please stop making false issues and involving our group. Wala po sa aming group ang nagra-rant.”