Nahuli ng Valenzuela Police ang suspek na nangholdap sa isang estudyanteng babae at nahiwa ang dila sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Mga kasong robbery hold-up at frustrated homicide ang kinakaharap na asunto ni Raymund Gamboa, 29, ng 5-L Papaya Street, Individual Avenue, Barangay Potrero, Malabon City.

Ginagamot naman sa Fatima Medical Center ang biktimang si Maria Regina Castro, 39, may asawa, medical student sa Our Lady of Fatima University, residente ng No. 38 F. Bautista Street, Barangay Marulas, Valenzuela City, sanhi ng saksak sa bibig na tumagos sa dila.

Ayon kina PO3 Michael Oxina at SPO2 Ray Bragado ng Station Investigation Unit (SIU) ng Valenzuela Police, bandang 6:00 ng umaga nang mangyari ang krimen sa F. Bautista Street, Barangay Marulas, Valenzuela City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Papasok na sa eskwelahan si Castro nang harangin ng suspek, isinalya sa pader, tinutukan ng patalim at kinuha ang kanyang pera. Nagsisigaw si Castro na nakatawag pansin sa mga naroroon kayat sinaksak siya sa bibig ni Gamboo bago tumakas.

Bandang 10:00 ng gabi, natunton ng mga awtoridad ang lugar ni Gamboa at inaresto ito habang nagsusugal malapit sa kanyang bahay sa Malabon City.