SUNS-PIX-619x348

MILWAUKEE (AP)- Umiskor si Markieff Morris ng 26 puntos at sinunggaban ang 10 rebounds upang pamunuan ang Phoenix Suns sa 102-96 victory kontra sa Milwaukee Bucks kahapon.

Nag-ambag si Isaiah Thomas ng 19 at inasinta ni Goran Dragic ang 16 para sa Suns, nagsalansan ng 100 o mahigit pang puntos sa ikasiyam na sunod na mga laro.

Nagposte si Brandon Knight ng 26 at nagdagdag si Giannis Antetokounmpo ng 16 para sa Bucks, sumadsad sa kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo sa sariling pamamahay.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Napasakamay ng Suns ang 9 na pagwawagi sa loob ng huling 11 mga laro at binuksan ang four-game road trip sa kanilang ikatlong sunod na tagumpay. Naingat din nila ang kanilang record sa 8-1 laban sa Eastern Conference opponents.

Matapos ang tatlong leads changes at pagtatabla upang simulan ang fourth quarter, biglang umarangkada ang Suns para sa magandang posisyon nang panatilihing buhay ni Markieff Morris ang offensive rebound at saka ipinasa kay Marcus Morris na nagsagawa ng three-point play para sa 81-76 lead sa kaagahan ng quarter.

Umasa ang Phoenix sa napakasamang shooting ng Milwaukee upang mapasakamay ang kalamangan na ‘di lalayo sa 7 puntos. Naisakatuparan lamang ng Bucks ang 9-of-27 shots sa naturang quarter.

Ang tres ni Khris Middleton sa nalalabing 1:49 ang nagtulak sa Bucks sa 94-92, subalit umatake ang Suns mula sa jumper ni Goran Dragic, sa 3-pointer ni Markieff Morris at nang free throw mula kay Thomas.

Nagbigay ng karagdagang enerhiya sina Antetokounmpo at Knight mula sa opensa ng Bucks nang kapwa nila idinakdak ang bola tungo sa 12-4 surge at ibigay sa Milwaukee ang 62-58, may 4:44 pa sa orasan sa third quarter. Naisagawa ng Bucks ang 10-of-25 shots sa nasabing quarter at naikasa ang one-point lead patungo sa fourth. Hindi naman naging mabuti ito sa Suns, naisalansan lamang ang 11-of-23 mula sa floor.

Napagwagian ng Suns ang pito sa walong road games laban sa Eastern Conference sa season na ito at limang sunod sa pangkalahatan.

TIP-INS

Suns: Nagtala ang Phoenix ng 15 puntos sa first quarter, mas angat ng apoat kaysa sa kanilang season-low na 11 sa nasabing period na naitakda nila noong Oktubre 31 kontra sa San Antonio... . Lumabas si Thomas sa bench na nagposte ng 13 puntos sa unang half, mas angat ng isa sa lahat ng ginawa ng Bucks reserves… . Naimintis ni PJ Tucker ang lahat ng apat sa kanyang buslo sa unang half, ngunit ang kanyang unang basket sa third canto ang nagkaloob sa Phoenix sa 45-44 lead.

Bucks: Hindi nakita sa aksiyon si center Larry Sanders sa kanyang ikapitong sunod na laro. Orihinal na nawala siya sa hanay sanhi ng ubo, ngunit sa ngayon ay isang personal na rason. Nasa laro siya subalit nakabihis ng dark suit, nakaupos sa hulihan ng bench… . Nakakuha si Khris Middleton ng inadvertent technical sa huling bahagi ng unang quarter. Habang pinahinto ang laro sa ilalim ng basket ng Suns, kanyang pinalo ang bola habang naglalakad palayo kay referee Eric Dalen. Nang sumablay na saluhin ni Middleton ang bola, agad na tinawag ito ni Dalen bilang foul.