Walo katao ang sugatan, kabilang ang driver at konduktor ng bus, matapos sumalpok ang isang ordinary passenger bus sa isang konkretong poste at bakal na bakod ng Metro Rail Transit (MRT) sa EDSA noong Martes ng gabi.

Kinilala ng Road Emergency Unit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tatlo sa mga sugatan na sina Rose Ann Ablaza, 23; Jose Gimoro, 58; at Allen Diamante, 33.

Base sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver ng pampasaherong bus na may plakang UVF-128 habang tinatahak ng sasakyan ang northbound lane ng EDSA dahilan upang sumalpok ito sa concrete barrier at steel fence malapit sa elevator ng MRT station dakong 6:30 noong Martes ng gabi.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, naipit sa driver’s seat ang driver ng bus, na nakilalang si Valentine Docdocil.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isinugod ng MMDA rescue team ang mga sugatang pasahero sa Ospital ng Makati.

Naniniwala ang mga imbestigador na nawalan ng preno ang bus kaya hindi na ito nakontrol ni Docdocil.