Iginiit ni Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na karapat-dapat siyang pahintulutang makapagpiyansa dahil sa umano’y pagkabigo ng prosekusyon na patunayang sangkot siya sa pork barrel fund scam.

Sa kanyang panibagong mosyon, hiniling ng senador sa 5th Division ng Sandiganbayan na payagan na siyang makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Gayunman, nauna nang tinutulan ng prosecution panel ang naturang apela ni Estrada dahil nagkamal umano siya ng daan-daang milyong piso mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Kamakailan, nagpahayag ng pangamba ang kampo ng senador na posibleng mangyari rin sa kanya ang sinapit ng kapwa akusado sa kaso na si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., na nabigong makumbinsi ang anti-graft court na payagan itong makapagpiyansa.
Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!