BANGKOK (Reuters)— Sisimulan ngayong araw ng Thailand legislature ang mga impeachment hearing laban kay dating Prime Minister Yingluck Shinawatra, na nahaharap sa mahabang political ban na susubok sa maselang katahimikan matapos ang military coup noong nakaraang taon.

Ang kaso ang magiging unang malaking pagsubok sa 2015 ng junta dahil sa popularidad ni Yingluck sa milyun-milyong mahihirap sa kanayunan na naghalal sa kanya sa landslide na panalo noong 2011.

Kapag na-impeach, mahaharap si Yingluck sa limang taong pagbabawal sa paghawak ng puwesto sa gobyerno.
National

Paalala ng DOH: Maghinay-hinay sa pagkain ng matataba, matatamis at maaalat ngayong holidays!