PANGKALAN BUN, Indonesia (AP) — Maagang sumisid ang dalawang diver noong Miyerkules sa pagbuti ng panahon para hanapin ang malaking bahagi ng fuselage ng eroplano ng AirAsia na bumulusok mahigit isang linggo na ang nakalipas sakay ang 162 katao, sinabi ng isang Indonesian official.

Na-detect ng barko ng U.S. Navy na USS Fort Worth ang dalawang huling bagay noong Martes sa lalim na 28 metro (92 talampakan feet) malapit sa Karimata Strait sa baybayin ng Indonesia.

“We will start to identify the wreckage, which appears to be part of the jet’s body, as quickly as possible,” sabi ni Indonesian search and rescue operation coordinator Tatang Zainudin.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS