Coleen-Billy-copy

PARANG inunahan na ni Coleen Garcia ang promo ng pelikulang Ex With Benefits sa sexy pictorial niya sa Maldives Island na pinagbakasyunan nila ni Billy Crawford.

In good taste ang mga kuha ni Coleen na ipinost nila sa social media at puwede itong gamitin din para sa promo ng Ex With Benefits na si Sam Milby ang leading man ng TV host/actress.

Ang sexy ni Coleen at ang gaganda ng swimsuit na suot niya kaya tiyak na maraming female personalities ang nagka-idea na gayahin din nila ang pictorial session na ito ng dalaga sa isang napakagandang lugar sa ibang bansa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tiyak na nakita na ni Sam ang mga litrato ni Coleen at siguradong humanga rin siya sa kaseksihan ng girlfriend ni Billy.

Mabuti na lang at hindi bantay-salakay si Sam kaya maski na magkasama sila sa pelikula ni Coleen ay walang kakaba-kaba si Billly at matinong girlfriend din naman ang dalaga.

In fact, marami ang nakakapansing malaki ang ipinagbago ni Billy simula nang maging magkarelasyon sila dahil pumayat siya nang husto at higit sa lahat, hindi na rin daw madalas uminom at gumimik tulad nang dati.

May nagkuwento rin sa amin na, “Takot si Billy na iwan siya ni Coleen, sobrang in love ni Billy kay Coleen.  Hindi nga rin namin alam kung paano napatino ni Coleen si Billy.”

Samantala, kung sa Maldives nagpalipas ng Bagong Taon sina Billy at Coleen, sa El Nido Beach, Palawan naman si Sam kasama ang pamilya hanggang Enero 2 at lumipad patungong Balesin Island nang araw ding iyon para sundan ang Cornerstone Talents at staff para sa kanilang yearly career planning na pinamumunuan ng manager nilang si Erickson Raymundo.