Mga laro ngayon (Fil Oil Flying V Arena):

10 a.m. – Derulo Accelero vs Cebuana Lhuillier

12 pm. – Jumbo Plastic vs Blackwater Sports

2p.m. – Cagayan Valley vs Big Chill

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mas maging matatag sa kanilang kinalalagyang ikatlong puwesto sa women`s team standings ang tatangkain ng Adamson University sa kanilang pagsagupa kontra sa delikadong University of the Philippines, habang aantabayanan naman ang unang laban ng National University sa ilalim ng bago nilang coach sa pagpapatuloy ngayon ng UAAP Season 77 volleyball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Hawak ang barahang 3-2, panalo-talo, puntirya ng Lady falcons ang ika-apat na panalo na magpapatibay ng kapit nila sa ikatlong puwesto kasunod ng mga namumunong De La Salle (6-0) at defending champion Ateneo (5-0) sa pagsagupa nila sa Lady Maroons ngayong ika-4 ng hapon matapos ang salpukan ng Lady Bulldogs at ng University of Santo Tomas Tigresses sa unang women`s match ganap na alas-2.

Matapos mabigo sa unang dalawa nilang laro sa kamay ng Lady Spikers at ng Lady Eagles, bumalikwas ang Lady Falcons at nagposte ng tatlong sunod na panalo,pinakahuli ang 3-1 panalo laban sa Tigresses na nagluklok sa kanila sa solong ikatlong puwesto.

Bagamat pinapaboran kontra UP, hindi puwedeng magkumpiyansa ang tropa ni coach Sherwin Meneses kontra sa Lady Maroons na siyang natatanging koponan na nakakuha ng set win kontra sa Lady Eagles sa nakaraan nilang laban.

Mauuna rito, tiyak namang aabangan kung anu-ano ang mga pagbabagong makikita sa laro ng Lady Bulldogs sa ilalim ng bagao nitong coach na si multi-titled coach Roger Gorayeb.

Pinalitan ni Gorayeb, ang nasa likod ng matagumpay ngayong volleyball program at tinatamasang tagumpay ng koponan ng Ateneo Lady Eagles, ang dating head coach na si Ariel de la Cruz.

Makakatunggali ng Lady Bulldogs ang hindi naman maintindihan kung bakit patuloy ang pagsemplang matapos manalo sa una nilang laban na UST TIgresses.

Mula sa pagiging title contender, marami na ngayon anag nagdududa kung makukuha ang bumangon ng UST matapos masadlak sa barahang 1-4 panalotalo para sa solong ikapitong puwesto.

Pupuntiryahin ng NU ang kanilang ikatlong panalo na magtatabla sa kanila ika-apat na puwesto sa Far Eastern University (3-3).

Mauuna rito, pag-aagawan naman ng Adamson University at UST ang pagsosolo sa ikalawang puwesto sa men`s division sa kanilang pagtatagpo sa ikalawang laro ganap na alas-10 ng umaga.

Magkasalo sa ngayon ang Falcons at ang TIgers sa ikalawang posisyon sa likod ng defending champion NU Bulldogs (6-0) hawak ang parehas na barahang 4-1, panalo-talo.

Samantala sa unang laban, magtatapat naman ang uP Fighting Maroons (1-4) at ang FEU Tamaraws (2-3) ganap na ika-8 ng umaga.