SA pagdalaw ni Pope Francis sa ating bansa ngayong Enero, isang religious play, entitled With Love, Pope Francis na sinulat at ididirek ni Nestor Torre ang itatanghal sa Mabuhay Restops Theater Cafe sa Rizal Park (near the Quirino Grandstand) mula Enero 15 hanggang 19.

Nagtungo si Nestor Torre at ang producer na si Rose Cabrera sa Tacloban at kinapanayam ang ilang ‘Yolanda’ survivors, ang pangunahing dahilan sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas. Iuugnay ito sa pamamagitan ng drama at musika sa buhay ni Pope Francis. May slides at videos na nagpapakita sa pagiging mapagmahal at charismatic ni Pope Francis.

Nakilala si Torre sa mga nilikha niyang religious productions tulad ng Magnificat na tungkol sa buhay ng Birheng Maria na nilapatan ng musika ni Ryan Cayabyab. Si Dulce ang lumabas bilang Maria.

Sinundan ito ng Birhen ng Caysasay with Ogie Alcasid at Cocoy Laurel at ang PadRe Pio na pinagbidahan naman ni Ricky Davao.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Sa With Love, Pope Francis ay tampok ang mga baguhan at gifted performers mula sa teatro.

Para sa group viewing ay makipag-ugnayan kay Mara Salvacion at 0917 810-8194 or (02) 353-8752 or visit www.Mabuhayrestops.com for details.

Balak din na magkaroon ng piling pagtatanghal ng With Love, Pope Francis sa Tacloban pagkatapos ng inisyal na staging sa Rizal Park.