IBAAN, Batangas - Patay ang isang 32-anyos na mister na tumilapon sa kalsada matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa kasalubong na SUV sa Ibaan, Batangas.

Dead on arrival sa MVM Hospital sa Rosario, Batangas si Ricardo Sastado, ayon sa report ni SPO1 Geronimo Sanchez.

Nasa kostudiya naman ng pulisya ang driver ng Toyota Avanza (NKI 684) na si Nestor Bautista, 59 anyos.

Dakong 1:25 ng hapon noong Enero 3, binabagtas ng dalawang sasakyan ang kalsadang sakop ng Barangay Matala nang magkasalpukan ang motorsiklo at Avanza.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20