VATICAN CITY (AFP)— Pinangalanan ni Pope Francis ang 20 bagong cardinal, karamihan ay nagmula sa Africa, Asia at Latin America, mga lugar na nabibigyan ng pansin sa pagbaling ng suporta ng Simbahang Katoliko mula sa kanyang tradisyunal na European stronghold.

Labinlimang bagong mga cardinal – itinuturing na mga “prinsipe ng simbahan” – ang nasa edad 80 pababa, ibig sabihin sila ay makakabilang sa conclave na maghahalal ng kapalit ni Pope Francis.

Kabilang sa listahan ng mga bagong cardinal ang tatlong mula sa Africa, lima mula sa Latin America at ang pinagsamang kabuuan ng lima mula sa Asia at sa Pacific. Opisyal na iluluklok ang mga bagong miyembro ng College of Cardinals sa Pebrero 14, 2015.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS