ESPESYAL ang pagpasok ng 2015 para sa mag-asawang Terrence Howard at Miranda, ayon sa ulat ng US Weekly.

Matatandaang may tatlo nang anak ang aktor, 45, na nagtanghal sa New Year’s Eve party sa AnQi sa Orange County sa California, kung saan niya inihayag ang pagdadalantao ng kanyang asawa.

Habang siya ay nagtatanghal, namataan si Miranda habang hinihimas ang kanyang tiyan, sabi sa US Weekly ng isa sa mga nanood.

Pagkatapos ng pagtayanghal, hiniling ng may-ari ng restaurant na si Elizabeth An, isa sa malalapit na kaibigan ng mag-asawa, na bumalik ang aktor sa entablado. Ayon sa nakasaksi, niyaya ni Howard ang kanyang asawa habang isinigaw ng may-ari sa mga manonood na: “Terrence and Mira are expecting their first baby!”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ng nakasaksi na si Miranda ay “glowed with joy” habang inihahayag ang balita na magkakaroon na sila ng baby.

Ang Red Tails star ay ikinasal sa kanyang pangatlong asawa noong 2013, ilang buwan matapos isapinal ang kanyang masalimuot na hiwalayan sa kanyang pangalawang asawa na si Michelle Ghent. Matatandaang ikinasal din si Howard kay Lori McCommas sa loob ng 13 taon hanggang 2005. Nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Aubrey, 21, Hunter, 19 at Heaven, 17.- US Weekly