KALIBO, Aklan - Isang cargo barge na nag-deliver ng semento ang sumadsad sa Barangay Cawayan sa New Washington, Aklan.

Sa text message kahapon ng boat captain ng M/V SF Carrier sa isang television network, sinabi nito na nag-shelter lang sila dahil sa malakas na alon.

Pero kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na sumadsad ang nasabing barko kaninang 3:00 ng umaga makaraang mag-deliver ng semento sa Aklan.

Inaabangan na ng PCG ang posibilidad ng oil spill dahil sa pagkakasadsad ng barge.
National

‘Bakit ngayon takot silang ipatawag ‘yong 18 Marines?’—Rep. Toby Tiangco sa Kongreso