LEGAZPI CITY – Pinuri kamakailan ng United Nations Convention on Climate Change (UNFCCC) ang pamunuan ng Green Climate Fund (GCF), sa ilalim ng liderato ni Albay Gov. Joey Salceda, dahil sa pagkakakumpleto sa lahat ng kailangan at matagumpay na paglikom ng paunang US$10.2 billion sa unang taon nito upang mapasimulan ang mga programa ng ahensiya.

Natupad ito sa ilalim ng pangangasiwa ni Salceda bilang co-chairman ng GCF Board, na kinatawan siya ng Southeast Asia at mahihirap na bansa. Kumakatawan naman sa mayayamang bansa ang katapat niyang German. Nanungkulan sila sa GCF Board mula Oktubre 2013 hanggang Oktubre 2014.

Ang papuri sa mga tagumpay ng dating GCF Board ay iginawad ng UNFCCC Conference of Parties (COP) sa katatapos na ika-20 sesyon nito sa Lima, Peru kamakailan. Nakapaloob ang naturang papuri sa COP 20 Decision na inilabas sa pulong sa Lima kaugnay ng GCF 2013-2014 Report.

Bilang isang specialized agency ng UN, layunin ng GCF ang mabawasan ang sobrang carbon o greenhouse gas na ibinubuga sa himpapawid at ang tulungan ang mahihirap na bansa na matugunan ang mga paghamon ng kalamidad na dulot ng climate change. Bilang GCF co-chair, binigyan ng ibayong diin ni Salceda ang pagtupad ng mayayamang bansa sa pangako nilang ambag na halaga taun-taon para sa mga programang panlaban sa climate change, na dapat ay umabot sa US$100 billion sa 2020.
National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA