ITALY (AFP)— Nagpadala ang Italy noong Biyernes ng isang helicopter na kokontrol sa isang merchant ship na walang crew habang naglalayag ito patungo sa dalampasigan sakay ang 450 migrante, sa huling maritime incident sa karagatan sa timog ng Europe.

Ipinadala ang chopper para ibaba ang ilang kalalakihan sa barko, na nagpalutang-lutang sa maalong karagatan may 40 milya (65 kilometro) mula sa dalampasigan ng Capo di Leuca, ang dulo ng Italy, ayon sa air force. “Because of the difficult weather conditions the ship can only be boarded from the air,” ayon sa pahayag.

Ang barko ay tinukoy na Ezadeen, 50-anyos na, 73-metro ang haba at nakarehistro sa Sierra Leone, at naglalayong tawirin ang Cyprus at French southern port ng Sete.
National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino