MAGHAHATID ng inspirasyon sa mga manonood ngayong Bagong Taon ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa pamamagitan ng kanyang karakter sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Enero 3).

Gaganap si Kathryn bilang si Daisy, ang mabuting bata na inampon ng mag-asawang sina Ed at Erlie (Smokey Manaloto at Assunta da Rossi). Dahil sa angking galing at determinasyon, hindi naging mahirap para kay Daisy na tumayong breadwinner ng kanilang pamilya nang malugi ang negosyo ng kanyang ama. Ngunit mas susubukin ang kanyang katatagan nang matuklasang may breast cancer ang kanyang ina at may sakit sa puso ang kanyang ama.

Sa lahat ng pagsubok na kanyang pinagdaanan, paano kinaya ni Daisy na manatiling malakas para sa kanyang pamilya? Hanggang saan kayang dalhin ng wagas na pagmamahal ang isang anak na walang ibang hangad kundi mapasaya ang kanyang mga magulang?

Makakasama nina Kathryn, Assunta at Smokey sa upcoming MMK episode na ito sina Eslove Briones, Patrick Sugui, Kazumi Porquez, Dionne Monsanto, at Ynna Asistio, mula sa script nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos at sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar at panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Ang MMK na napapanood tuwing Sabado, 7:15 PM, ay pinamumunuan ng business unit head na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-del Rosario.