TARLAC CITY— Isang Amerikano na pinaniniwalaang may malubhang karamdaman ang bigla na lamang tumirik ang mata habang nasa loob ng comfort room ng isang hotel sa Aquino Subvision, Bgy. Sto. Cristo, Tarlac City noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni PO3 Jumen Miguel, may hawak ng kaso, ang biktimang si Ruben Doria, 55, tubong Texas, USA at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.

Bandang 6:10 ng gabi nang marinig nina Ramonsito De Leon, 28, ng Bgy. Sta. Orusla, Betis, Guagua, Pampanga at Boujie Van Venrooij, 46, isang Dutch, ang daing ni Doria sa comfort room at nang kanilang puntahan ay nakita nila itong nakahandusay sa sahig.

Kaagad na isinugod si Doria sa Central Luzon Doctors’ Hospital subalit siya ay idineklarang patay.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Walang nakitang foul play ang mga awtoridad sa naturang insidente.