Dalawang importanteng seminar tungkol sa Sports Science ang pambungad sa 2015 na isasagawa ng Philippine Sports Comission bilang bahagi ng paghahanda nito sa paglahok ng bansa sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo 5 hanggang 16.

Sinabi ni PSC Planning and Research chief Dr. Lauro Domingo Jr. na ang kambal na seminar ay gaganapin sa loob ng apat na araw at kabilang dito ang pagtuturo ng ahensiya sa mga makabagong pamamaraan sa pagsasanay, paghahanda at pagdidiskubre kung paano mailalabas ang pinaka-potensiyal na lakas at tibay ng atleta.

“It is part of our program in teaching Sports Sciences to our national coaches which is now Series 5 and 6,” sabi ni Domingo Jr. “We will have again invited some experts and technical people from well-known academes abroad to share their expertise,” sabi pa nito.

Una nang isinagawa ang apat na magkakahiwalay na seminar hinggil sa iba’t ibang pamamaraan na nakatuon sa pagdidiskubre at paghahanda sa mga may potensiyal na batang atleta tungo sa pagsasanay at pag-aalaga ng coaches patungo sa kanilang pinakamahusay na kundisyon.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Samantala, agad din na paghahandaan ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) ang kampanya ng mga kasaling National Sports Associations (NSAs) sa 2015 SEA Games sa Singapore na nagnanais kumuha ng serbisyo ng foreign coaches para mapaangat ang tsansang magwagi ng medalya.

Ayon kay POC president Jose Cojuangco Jr., mahuhusay din ang local coaches subalit dapat na matutunan din ng mga ito ang makabagong pamamaraan o pagdiskarte na makukuha kung papasok ang mga dayuhang coaches.

Payag din si PSC Chairman Richie Garcia na kumuha ng dayuhang coaches subalit kailangan lamang ang serbisyo nito sa loob ng tatlo o apat na buwan para lamang magabayan ang mga national coaches.