Magtatalaga ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang tauhan na para sa biglaang inspeksiyon sa mga terminal ng public utility vehicle (PUV) upang siguruhin na tumutugon ang mga ito sa kanilang prangkisa.

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, aabot sa 400,000 ang bilang ng mga pampublikong sasakyan sa bansa at titiyakin ng LTFRB na nasa ayos na kundisyon ang mga ito para iwassakuna.

Mangangalap ang ahensiya ng 145 PUV inspector na itatalaga sa LTFRB Central Office sa Quezon City, National Capital Region, Central Luzon, Southern Tagalog at Western Visayas.

Sinabi ni Ginez na sasailalim ang mga ito sa bagong itinatag na PUV Inspection Unit. - Czarina Nicole Ong

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'