Unti-unti nang lumalambot ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na mahikayat na manatili ang Super Grandmaster na si Wesley So sa kanilang pederasyon.

“The NCFP officials wishes him well,” sabi ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Executive Director at GM Jayson Gonzales matapos na iuwi ni So ang ikaapat nitong sunod na titulo bago matapos ang taon bagaman inirerepresenta na nito ang bansang Estados Unidos.

“We all know his reason. Sana nasa Pilipinas pa rin ang kanyang puso,” nasabi lamang ni Gonzales. Si So ay nasa ikasampung puwesto ngayon sa FIDE Ranking bitbit ang ELO rating na 2762.

Matatandaan na nakabinbin pa rin ang kahilingan ni So sa NCFP matapos nitong naisin na makalipat ng kaaaniban na US Chess Federation. Gayunman, hanggang ngayon ay hindi pa tinutugunan ng NCFP kung tuluyang bibitawan nito si So o hahayaan na lamang mag-expire base sa nakatakdang kautusan ng kiinaaanibang nitong asosasyon na FIDE.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Bagaman may natitira pang pinakahuling laro kahapon sa 24th North American Chess Open sa Las Vegas, Nevada ay nasiguro agad ni So ang ikaapat nitong sunod na titulo ngayong taon matapos magwagi sa Cablanca Memorial sa Cuba, ACP Golden Classics sa Bergamo, Italy at sa Millionaire’s Cup sa United States kung saan ibinulsa nito ang ng $100,000 na kanyang pinakamalaking premyo.

Nakipag-draw ang top seed na si So kina Chinese Grand Master Bu Xiangzhi at American GM Julio Becerrasa huli nitong laban para maangkin korona sa itinala nitong anim na puntos.

Iuuwi nito ang premyong $10,000 matapos itala sa walong round ang 7.0 puntos sa kanyang 6 panalo at 2 draw.

Nakatakda pang sumabak si So sa Tata Steel Masters sa Enero 9, 2015 sa The Netherlands saan makakatapat nito ang pinakamagagaling na GMs sa pangunguna nina men’s at women’s world champions Magnus Carlsen at Hou Yifang.