Jennylyn-Derek-copy

MULI kaming nasa Gateway Cinema noong Martes ng gabi at bongga ang English Only Please nina Derek Ramsay atJennylyn Mercado dahil apat na screenings ang sold out na nag-umpisa ng 5:40 PM hanggang last full show.

Inusisa namin ang mga takilyera ng sinehan at sinabi nila na sobrang lumakas ang EOP simula nu’ng humakot ito ng mga tropeo sa 2014 Metro Manila Film Festival Awards.

Nagtanong kami kung ano pa ang lumakas at humina na nang mga nagdaang araw at binanggit lahat sa amin na hindi na namin isusulat pa kung ano ito, basta ang sabi sa amin, “Nu’ng hindi pa po nananalo ang English Only Please, parating sold out (mga pelikula), pero ngayon, humina na po, baka kasi napanood na ng karamihan o baka hindi pa nanoood ‘yung iba, abangan natin sa New Year. Pero itong kina Jennylyn (plus Derek), parati pong sold out, ‘dami nga po nagsasabing ‘bakit iisa lang ang sinehan.”

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Natutuwa kami para sa pelikula nina Derek at Jennylyn dahil ito ang bukod tanging walang napapanood na trailer sa telebisyon dahil hindi pinayagan ng ABS-CBN at GMA-7 na parehong may mga entry tulad ng The Amazing Praybeyt Benjamin, Feng Shui, Kubot: The Aswang Chronicles, Shake Rattle and Roll.

Mabuti pa nga ang Bonifacio at Magnum Muslim .357 ay napapanood din namin ng ilang beses sa ABS-CBN.

Sa social at print media plus word of mouth lang ang pinaka-promo ng English Please Only at sana nga mas lalo pa itong lumakas.

Napanood namin ang Kubot: Aswang Chronicles ninaDingdong Dantes, Joey Marquez, Lotlot de Leon atIsabelle Daza na nagandahan kami lalo na sa special effects at kulay na habang pinapanood namin ay ang premyadong direktor na si Quentin Tarantino ang nasa isip namin dahil ganito ang estilo ng mga pelikula niya.

Medyo nakulangan kami sa action kung ikukumpara saTiktik: Aswang Chronicles pero okay na rin at dahil matagal na kaming hindi kumakain ng hotdog dahil nga processed meat ito ay mas lalo pa kaming nandiri nang ipakita kung paano ito ginagawa at kung ano ang laman nito maski hindi naman ganito talaga.

At dahil dog lover kami, naawa kami sa asong ginamit (maski hindi ipinakita) para ipakain kay Makki na anak ni Dingdong sa pelikula na isa nang asawang.

Wala pa kaming kalahati sa seating capacity sa loob ng Cinema 7 pero sabi naman ng tagabantay ay hindi na raw talaga gaanong tinatao ‘pag last full show na.

Ang mga pelikulang Bonifacio, Shake Rattle and Roll, Praybeyt Benjamin at Magnum Muslim .357 na lang ang hindi namin napapanood, bato-bato pick kung ano ang papanoorin namin ngayong gabi.