ANG malaking tagumpay na tinatamo ng The Amazing Praybeyt Benjamin na nangunguna ngayon sa takilya at ang ayaw magpahuling Feng Shui ay sagot sa panalangin ni Kris Aquino. Sadyang malakas ang pananampalataya aktres kay Mama Mary na hindi naman binigo.

Bukod sa unstoppable laughter dulot ngPraybeyt Benjamin ay isang henyong hakbang ang lumabas bilang mag-ama sina Richard Yap at Bimby Aquino Yap na hindi pa over-exposed (unlike Ryzza Mae Dizon na araw-araw tayong binubulaga) maliban sa pag-apir sa ilang commercials kasama ang pamosong ina.

Maging sa promo ng pelikula ay hindi rin nasusulyapan si Bimby. In short, sinabik nila nang husto ang madlang pipol. Idagdag na rin ang magandang chemistry at batuhan ng linya nina Vice Ganda at Bimby.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maraming pasabog na dulot ang wacky comedy ni Wenn Deramas ‘di tulad ng kalaban na ayon sa aming nakausap ay para ka lang nanood ng Eat Bulaga.

Tagumpay rin si Kris bilang producer at negosyante sa Feng Shui. At least, hindi siya napahiya sa kanyang business partners. Co-producer din ng Praybeyt Benjamin si Bimby kaya saan ka pa?

Aming mamatyagan kung anong hakbang career-wise ang mapapanood natin sa mga susunod na buwan para kay Bimby. A solo starrer kaya? (Remy Umerez)