KC-Concepcion

SA kanyang thankgiving dinner para sa movie press, binanggit ni KC Concepcion na naghahanap siya ng isang lalaki na hindi lang mabait kundi responsable rin. Dapat daw ang lalaking iyon ay handa siyang panindigan at pakasalan.

“Sa totoo lang, ang hinahanap ko talaga is someone na kind, Kristiyano talaga. Kung Muslim ako, eh, di Muslim din ang hahanapin ko. Sana somebody talaga na may intention na hindi lang i-girlfriend ako, pero, may intention na pakasalan ako,” sey ni KC.

Bilang babae ay ayaw na niyang mag-aksaya ng panahon para sa boyfriend-boyfriend lang. Ang gusto niya ay lalaking mas handa kaysa sa kanya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi pa ba niya nakikita ‘yun kay Paulo Avelino?

“Not Paulo, in general na hinahanap ko. At saka, someone who’s kind kasi hindi nga maiiwasan na mag-away kayo. Pero kung paano kayo mag-away, ‘yun ang importante... kung paano n’yo i-solve,” saad pa ni KC.

Inamin ni KC na compatible din naman sila ni Paulo bilang best friends. Pareho silang mga simple lang ang hilig kagaya ng kape o pagbabasa ng anime comics.

“Feeling ko, mas nagiging myself ako with him. Pero, ‘yun nga, more than dyowain ‘yung hinahanap ko,” sey pa ng dalaga.

Samantala, mag uumpisa na sa Lunes ang Christmas miniseries nina KC at Paulo – ang ikatlo at huling handog ng Give Love On Christmas na “Exchange Gift” ng Dreamscape Entertainment.