Sinorpresa ng hindi kilalang 11th seed National Master David Elorta ang mga top seed kabilang na si Grandmaster Darwin Laylo at second rank GM Richard Bitoon para sorpresang iuwi ang Open/men’s title kamakalawa sa 2014 National Blitz Chess Championships sa Philippine Sports Commission (PSC) National Athletes Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Nagtala ng kabuuang walong panalo kontra isang talo ang 31-anyos na si Elorta, ama sa isang batang babae at mula Sta. Ana, Maynila upang manguna sa 52-kalahok at 1-araw na torneo na year-end event ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Iniuwi ni Aletra ang P5,000 cash, trophy at clock na ginawad nina NCFP executive director GM Jayon Gonzales at deputy secretary general/treasurer Red Dumuk.

Nagkasya naman sa ikalawa’t ikatlong puwesto sina 7th seed IMOliver Dimakiling at 4th seed IM Jan Emmanuel Garcia na kapwa may tig-P2,500 mula sa combined cash prizes Galveznila at medals at clocks.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Nasa top 4 hanggang 10th place sina 15th seed Jerad Docena (6.5 pts.), 13th seed IM Joel Piumentel (6.5), 5th seed IM Rolando Nolte (6.0), 6th seed IM Paulo Bersamina (6.0), 8th seed IM Emmanuel Senador (6.0), Bitoon (6.0) at ang 18th seed Samson Lim, Jr. (5.5).

Top 20 ang may cash prizes sa 3-minute board game na may three seconds increment.

Nagwagi sa women’s division ang 1-2-3 na sina Woman IM Janelle Mae Frayna (5.5), WIM Jan Jodilyn fronda (5.0) at WIM Bernadetta Galas (4.5). Sila’y mga nabiyayaan ng P2,000+trophy+clock, P1,000+medal+chess set at P800+medal+chess.

Kabuuang Top 10 ang may premyo sa kiddies division na ang unang tatlo’y sina sixth seed Michael Concio, Jr., 9, ng Los Banos, Laguna (6.5), top favorite at 2014 National Rapid Chess Chess Championships kiddies titlist Stephen Rome Pangilinan (5.5) at Mark James Marcellana (5.0).