Halos madurog ang katawan ng isang batang lalaki matapos siyang magulungan ng isang pampasaherong jeep habang natutulog siya sa ilalim ng nasabing sasakyan kasama ang kanyang kapatid at isang kaibigan sa Navotas City, kamakalawa ng madaling araw.

Wala nang buhay nang dumating sa Tondo Medical Center si John Mark Villaroya, ng No. 379 North Bay Boulevard North ng nasabing lungsod, dahil sa pagkadurog ng ulo at katawan nito.

Nagtamo rin ng galos ang nakababatang kapatid ni John Mark na si Michael, pitong taong gulang; at kaibigan nitong si Joshua Aringay, 10.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injuries ang kinakaharap ng driver na si Charlie Villegas, 28, ng Lapu-Lapu Avenue, Navotas City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay PO1 Salvador Dogol, ng Navotas Police Traffic Unit, bandang 3:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Lapu-Lapu Avenue, corner Road 10, Navotas City.

“Hindi ko po talaga alam na may tao sa ilalim ng jeep ko. Kung alam ko lang, ginising ko muna sila bago ko pinaandar ang sasakyan. Patawad po sa pamilya ng bata,” ani Villegas.