Patay ang tatlong katao nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Bulanao, Tabuk City, noong Lunes ng gabi.

Sa imbestigasyon ni PO3 Tony Banao, ng Tabuk City Police, ay nakilala ang mga biktimang sina Devin Godayon at Darwin Bon-as, kapwa ng Balbalan, Kalinga; at Montano Adis, ng Bulanao, Tabuk City.

Namatay sina Adis at Godayon habang ginagamot sa Kalinga Provincial Hospital sa Tabuk City dahil sa mga tinamong bali sa buto at sugat sa katawan habang dead on arrival sa Cagayan Valley Medical Center si Bon-as.

Patuloy na ginagamot sa Kalinga Provincial Hospital ang angkas ni Adis na si Melvin Pascua, ng Bgy. Agbanawag, Tabuk City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, matulin ang takbo ng dalawang sasakyan nang biglang nagpagewang-gewang ang isa sa mga ito bago sumalpok sa kasalubong na motorsiklo sa national highway ng Bulanao, Tabuk.