IKINARARANGAL NATIN ● Walang makahahadlang sa mga Pilipino upang ipakita sa daigdig ang ating angking galing, kahit pa sila ay may kapansanan. Pinatunayan na naman ito ng anim na pambato ng ating bansa sa 2014 Global IT Challenge for Youth with Disabilities sa Busan, South Korea, iniulat ng Department of Science and Technology (DOST).

Ikinararangal natin ang pagtamo ni Nathaniel Edward Q. Dimalanta ng Philippine School for the Deaf (PSD), ang gold medal sa “eLifeMap Challenge” habang silver ang kay Janielle Alonzo Salvador ng PSD, sa “eTool Challenge.” Nagwagi rin ang Philippine team na binubuo nina Dimalanta Salvador, Jumuad Co at Rhold Michael Fernandez Jr., ng Manila Christian Computer Institute for the Deaf College of Technology,at sina Mary Ann Medura Rollon ng STI College at Wawel Acabado Quidoles ng Philippine National School for the Blind. Namayani ang Philippine Team sa kalahok ng mga bansa sa Southeast Asia, ulat pa DoST. Kakaiba na ang kabataang Pilipino pagdating sa larangan ng siyensiya. Kapananabikan din natin ang susunod na bugso ng magagaling at hindi paawat sa paglinang ng talino na mga batang Pinoy na world-class. Ikinararangal natin sila!

***

SA PANINGIN NG BATA ● Sino’ng dapat sisihin kapag naliligaw ng landas ang kabataan? Kamakailan, naiulat na Apat na menor de edad ang naaresto dahil sa panggagasaha ng isang 13 anyos na dalagita sa Barangay Cugman, Cagayan de Oro City. Ayon kay Insp. Rogelio Riosura, deputy station commander ng Cugman Police Station, dumulog sa himpilan ng pulisya ang mismong biktima at nilitanya ang nangyari sa kanya at itinuro ang apat na menor na humalay sa kanya. Sinabi ni Riosura, lima ang suspek pero apat sa kanila ang positibong umabuso sa biktima. Sa ginawang follow up operation ng pulisya, agad nahuli ang apat na suspek at sa pagsisiyasat, natuklasang menor de edad silang lahat. Lasing ang mga ito nang ginawa ang krimen. Uulitin ko ang tanong: Sino’ng dapat sisihin kapag naliligaw ng landas ang kabataan? Nasa magulang ba ang pagkulang? Nasa kanilang mga guro? Hindi nila maaaring bantayan o pandayin ang mga bata sa lahat ng pagkakataon. Ngunit sa lahat ng pagkakataon nakaharap ang mga bata sa media. Hanggang may nakikita silang mga “mungkahi” sa mga palabas, sa mga sine, sa mga billboard, lagi silang natuturan ng media na ang lahat ng ito ay tama.
National

Impeachment complaint ng Makabayan vs VP Sara, tinawag na ‘political opportunism’ ng NSC