BATAC CITY, Ilocos Norte – Isang lalaki, na pinaniniwalaang may diperensiya sa utak, ang inaresto ng pulisya matapos hatawin sa ulo ng martilyo ang kanyang biyenang babae sa Barangay San Mateo, Batac City.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Alejandrina Agtunong, 67, na matagal nang nakaratay sa kama dahil sa matinding karamdaman.

Naghihimas ngayon ng rehas na bakal si Darwin Tagatac, 39, residente ng Barangay San Mateo.

Lumitaw sa imbestigasyon na dahil sa hindi pa rin mabatid na dahilan ay biglang pumasok si Tagatac sa silid ni Agtunong at hinataw ng martilyo ang ulo ng biyenan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad namang naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek.