Mahaharap sa kasong paglabag sa visitation rights ng mga bilanggo ng National Bilibid Prisons (NBP) si Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima.

Ito ay matapos akusahan nina Atty. Ferdinand Topacio, Atty. Paul Laguitan at Atty. Andres Manuel ang kalihim sa paglabag sa RA 7438 (Rights of Persons Arrested) matapos silang pagbawalang dalawin ang kani-kanilang kliyente na sina Amin Boratong, Noel Martinez, Willy Sy at Michael Ong Chan mula nang inilipat ang mga huli sa kostudiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Hindi rin nakita ng nasabing mga abogado ang kanilang mga kliyente sa loob ng 11 araw at kinukuwestiyon nila ang paglipat sa mga bilanggo sa NBI dahil hindi umano ito ang tamang lugar.
National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro