SAN JOSE, Tarlac - Sabit sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children) ang isang 21-anyos na lalaki matapos na mabuntis ang dati niyang nobya sa Barangay Mababanaba, San Jose, Tarlac.

Sa ulat ni PO3 Marilou Orejudos, tumanggi si Gerald Angelo, 21, ng Bgy. David, San Jose, na kilalanin ang sanggol sa sinapupunan ng hindi pinangalanang nobya niya.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, Disyembre 2013 nang maging magkasintahan ang dalawa hanggang sa magtalik sila makaraang mangako si Angelo na pananagutan ang dalaga kung mabubuntis ito.

May bago nang nobya ngayon, sa komprontasyon ng kani-kanilang magulang ay tumanggi si Angelo na sa kanya ang sanggol.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20