ISANG malapit sa kaibigang aktres ang nagbalita sa amin na mukhang desidido na raw si Sharon Cuneta na pasukin ang pulitika.
Ayon pa sa nagbalita sa amin, tumawag si Mega sa kanyang kaibigang aktres na nagkataong isa sa matagumpay na politician at kinonsulta ito sa kanyang napipintong pagpasok sa pulitika.
Mga kamag-anak daw ng megastar ang kumukumbinsi sa kanya na tumakbo para mayor ng Pasay City sa 2016 elections. Pero napag-alaman ng kausap namin na mismong si Sharon ay intersado na ring maging pulitiko na kagaya ng ama na maraming taon ding naging alkalde ng Pasay City.
Ayon pa sa kausap namin ay mas pagbubuhusan na raw muna ni Ate Shawie ang pulitika kaysa showbiz dahil hindi raw naman nasunod ang gustong mangyari ng megastar sa kanyang showbiz career.
Dagdag pa ng source namin, ikinuwento raw ni Sharon sa kaibigang aktres na kaysa patuloy na magsesentimiyento sa showbiz career niya ay papasukin na lang muna nito ang mundo ng pulitika.
Matapos mag expire ang kontrata ni Sharon sa TV5 ay walang ginagawang anumang proyekto ang megastar. Pati nga raw Sharonians ay nag-aabang ngayon kung ano ang mga bagong gagawin ni Mega.
Samantala, ikinagulat ng panganay ni Sharon na si KC Concepcion ang balitang papasok na sa pulitika ang kanyang ina.
“Si Mama? Mayor? Eh, parang wala pa kaming pinag-usapan about that,” sey ni KC nang makausap namin sa presscon ng Give Love On Christmas Presents Exhange Gift ng Dreamscape Productions na may premiere telecast sa January 5 kapalit ng “Life Giver” Christmas special din nina Gerald Andersonat Maja Salvador na umeere ngayon.