INARESTO at kinasuhan ang Saved By the Bell star na si Dustin Diamond matapos manaksak sa isang bar sa Wisconsin. Ayon sa pahayag ng The Port Washington Police Department sa Yahoo, inaresto nila ang aktor noong Biyernes ng umaga matapos makipag-away sa bar, siya ay nahaharap sa kasong paggamit ng patalim.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, si Diamond, 37 at ang nobya niya, 27, ay nasa Grand Ave. Saloon noong Huwebes ng gabi nang sila ay masangkot sa away sa isang grupo. Matapos niyang saksakin ang isang lalaki ay kaagad nilang nilisan ang bar.

Unang dumalo sa korte si Diamond noong Biyernes nang opisyal siyang kasuhan. Ayon sa mga dokumento, ang kanyang piyansa ay umabot sa $10,000.

Kasalukuyang nagpapagaling ang nabiktima ni Diamond.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakilala si Diamond bilang Screech sa Saved by the Bell. Napanood din siya sa Saved by the Bell: The New Class at Saved by the Bell: The College Years at maging sa Celebrity Fit Clubat Celebrity Big Brother. - Yahoo News/Celebrity