MARIAN-Rivera-and-Dingdong-Dantes

MAITUTURING na collector’s item ang wedding invitation ng tinaguriang Royal Couple ng GMA Network na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Alam mong pinag-isipang mabuti ang pagbuo ng imbitasyon na ipinamigay nila sa kanilang invited guests. Para lamang sa reception sa Arena ng SM Mall of Asia ang imbitasyon.

Maiintindihan na kung one thousand ang invited guests nila ay hindi makakapasok lahat sa Cathedral of the Immaculate Conception sa Cubao, Quezon City sa Martes, December 30. For security reasons na rin ito dahil dadalo si Pangulong Benigno Aquino III as Witness of Honour. Kaya nangako silang magbibigay na lang ng photos nina Dong at Yan habang nagpapalitan sila ng I do’s, for reporters.

Gusto naming i-share ang ilang nilalaman ng wedding invitation in black and red, na nakasulat sa gitna ng card/ invitation ito:

National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo

“This is the story of a girl born in Madrid and a boy who hails from Manila. She grew up praying to meet the man of her dreams. He grew up dreaming to meet the woman of his prayers. One day the universe conspired to make them meet and together they decided to make the story complete.”

“Soon our pages will turn as the day marries the night. Please write with us this new chapter on the day... We Unite.”

Maraming showbiz personalities ang bumubuo sa principal at secondary sponsors ng wedding of the year. Ilan sa mga ninong at ninang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid, Sharon C. Pangilinan, Kristina Bernadette C. Aquino, Governor Vilma Santos-Recto, Atty. Felipe L. Gozon, Gilberto Duavit Jr., Mother Lily Monteverde, Celia Rodriguez, Lolita Solis, Lilybeth Rasonable, Helen G. Sotto, Antonio P. Tuviera, Marvic Sotto, Mac Alejandre, Mark Reyes, Wilma Galvante, Ben Chan, Wilson Tieng, Perry Lansigan, German Moreno at Joyce Bernal.

Sina Ann Roxanne Barcelo at Ana Feleo ang maids of honor ni Yan at brother ni Dong ang kanyang best man. Groomsmen sina Jose Carlo Gonzales at Arthur Solinap. Bridesmaids sina Luzia Dy, Carolyn Galve, Celeste

Tuviera, Rochelle Pangilinan, Bettina Carlos, Bianca Gonzales-Intal. Isa sa flower girls si Ryzza Mae Dizon. Sina Ai Ai delas Alas at Gabby Eigenmann ang veil sponsors; Richard Gomez at Rep. Lucy Torres-Gomez ang candle sponsor at sina Sen. Bam Aquino at KC Concepcion ang cord sponsors.

May kasamang note of thanks ang invitation: “Thank you for being part of our special day! We want to bring this special feeling to the Young, help their Education and Serve the country even more.

“In lieu of gifts, we would be grateful for your support and donation to Yes Pinoy Foundation. For more information, kindly visit www.YesPinoy.org.”

May ilan pa kaming updates para sa nalalapit na kasal nina Dingdong at Marian. Ngayong araw darating mula sa Madrid, Spain ang ama ni Marian, si Señor Franco Gracia y Alonso. Ayon kay Marian, gusto sana ng papa niya na narito na siya ng Pasko pero kaawa-awa raw naman ang mga kapatid niya sa Madrid na Pasko ay wala ang kanilang ama, kaya sosolohin na raw lamang niya sa Bagong Taon ang papa niya.

Dream come-true kay Marian na sama-sama siyang ihahatid sa altar, sa piling ni Dingdong, ng tatlong taong mahal na mahal niya, ang kanyang ama, ang inang si Amalia at si Lola Francisca.

Kinabukasan after the wedding ay sa Boracay ang punta ng mga bagong kasal, sasamahan nila ang papa ni Marian na gustung-gustong makapunta sa Boracay. Saan na nga ba ang honeymoon nila?

“May mga ibinigay nang places ang travel agent namin, namimili pa kami,” sagot ni Dingdong nang huli namin silang mainterbyu ni Marian. “Somewhere in Europe, doon sa hindi pa namin napupuntahan.”

Alam namin, gustong makapunta ni Marian sa London at baka isa iyon sa pupuntahan nila dahil sa sagot niya kay Rachelle Ann Go na kasalukuyang gumaganap na Gigi sa musical play na Miss Saigon, sa Instagram (IG) account nito na “see you soon, Gigi.”

Matagal ba silang mawawala for their honeymoon?

“Hindi naman, kahit nga tatlong araw lang, p’wede na sa akin,” natatawang sagot ni Dingdong. “Humingi kami ng three weeks vacation sa GMA-7 pero baka mas mapaaga pa ang pagbalik namin dahil I will be hosting the artista search Starstruck 6 at si Marian may nakahanda nang bagong soap na gusto na ring simulan sa last week of January, 2015.”

Paano kung matupad na ang gusto nilang magkaanak agad sila?

“Mapag-uusapan po iyon,” natatawang sagot ni Marian. “Sa ngayon, looking forward ako na maging housewife na maghihintay at mag-aasikaso sa pagdating ng asawa ko mula sa trabaho niya.”