Luis-Angeln-copy

DIRETSAHANG inamin ni Luis Manzano sa amin na si Angel Locsin ang kasama niya ngayong Pasko.

Mismong araw ng Pasko ay sinigurado na niya na silang dalawa ng kasintahan niya ang magkakasama. Sey pa ni Luis, a day before Christmas ay nasa kani-kanilang pamilya silang dalawa. Pero bago sumapit ang Pasko ay kapiling na raw niya si Angel.

“Given naman na isang araw bago ang Pasko, that is 24, eh, nasa mga pamilya kami pero pagdating ng 25, eh, walang istorbo na dahil magkasama na kaming dalawa,” napatawang kuwento ni Luis.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Matagal na rin daw na nasa isip ni Luis ang ireregalo niya kay Angel ngayong Pasko pero “secret” pa rin daw ito kaya hindi niya sinabi sa amin. Pero natitiyak niyang mapasaya niya nang husto si Angel ngayong araw ng Pasko.

Ang hindi na inilihim ni Luis sa amin ay ang madalas na nilang napag-uusapan na planong pagpapakasal.

“Doon naman talaga kami pupunta, eh. But we’re talking everything in stride,” sey pa niya.

Ipinagmalaki na rin sa amin ni Luis na todo suporta ang kasintahan niya sa kanyang planong pagpasok sa pulitika sa 2016.

“Siya lang naman at wala nang iba pang magiging first lady ko if ever. Grabe kasi ang suporta niya sa akin. Medyo nakakagulat nga, dahil noon sinasabi niya na medyo marumi at magulo ang pulitika. Pero never naman niya akong diniscourage. Since day one, eh, ando’n ang suporta niya sa akin sa politics,” pag-amin pa ni Luis Manzano.