OKLAHOMA CITY (AP) – Sa matchup ng maniningning na Western Conference point guards, ibinigay ni Damian Lillard ng Portland ang malalaking basket habang nabigo naman si Russell Westbrook.

Umiskor si Lillard ng 40 puntos, naipasok ang malaking 3-pointer may tatlong minutong natitira sa regulation, at nakahabol ang Trail Blazers mula sa 13 puntos na pagkakabaon sa fourth quarter upang talunin ang Thunder, 115-111, kahapon.

Ang 40-point outing ni Lillard ang kanyang ikalawa sa huling apat na laro ng Portland, kasunod ng kanyang 43-point outburst kontra San Antonio noong nakaraang Biyernes. Si Lillard ay nagtala rin ng 11 assists at anim na rebounds, 8-for-12 mula sa 3-point range. Siya ay nakakuha ng pitong puntos sa extra period.

‘’Every time we get in a situation like that, I try to find a spot on the floor where I feel like I can get to for sure, and tonight was just another one of those times,’’ sabi ni Lillard.

National

Leni-Kiko nag-collab, sinayaw isang TikTok trend

Umiskor si Westbrook ng kanyang season-high na 40 puntos at nagdagdag ng 10 rebounds at anim na assists, ngunit nagmintis sa potensiyal na game-winner sa regulation buzzer bago na-foul out may 1:39 natitira sa overtime. Naglaro ang Oklahoma City sa ikatlong sunod na pagkakataon na wala si NBA MVP Kevin Durant dahil sa sprained right ankle.

Nakabalik na mula sa upper respiratory illness, naglista si LaMarcus Aldridge ng 25 puntos at humila ng siyam na rebounds para sa Blazers, ngunit nagkasya lamang sa 9-of-28 mula sa field. Siya at si Serge Ibaka ng Oklahoma City, na umiskor ng 16 puntos, ay kapwa napatalsik sa huling 9.5 segundo ng overtime makaraang magpambuno sa ilalim ng basket ng Portland.

Gumawa si Reggie Jackson ng 21 puntos para sa Thunder, kabilang ang pitong sunod sa 67-span upang itayo ang 78-73 abante sa nalalabing 10:58 sa regulation. Isang jumper ni Westbrook ang nagpalawig sa margin sa 91-78 may 5:04 natitira at lumamang ang Thunder sa 95-85 sa huling 1:40.

Ngunit naglaho ang Thunder pagdating sa dulo. Umiskor si Lillard ng anim na sunod na puntos sa isang 34-second span – isa sa free throw makaraang mapituhan si Westbrook ng technical foul sa natitirang 1:33.

‘’That was my fault,’’ ani Westbrook. ‘’I think that was the turning point in the game, for us and our energy. I didn’t think I deserved it . but I’ve got to do a better job of controlling my emotions, especially when the game is on the line like that. I take the blame for that. It turned the whole game around for them and it gave them a chance to win the game.’’

Naipasok ni Westbrook ang isa sa kanyang dalawang free throws sa nalalabing 5.2 segundo upang bigyan ang Thunder ng three-point cushion bago ang jumper ni Lillard sa sumusugod na si Ibaka para itabla ang bilang sa 98.