Luol Deng, Evan Turner

MIAMI (AP) - Inaasahang malaking problema ang pagkakasideline ni Dwyane Wade dahil sa bruised right knee ilang sandali bago ang laro.

Sa halip, nagbigay ito ng inspirasyon.

At ang five-game home slide ng koponan ay natapos na.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

Umiskor si Luol Deng ng 23 puntos, ibinuhos ni James Ennis ang 10 sa kanyang 16 puntos sa fourth quarter at napagwagian ng Heat ang Boston Celtics, 100-84, kahapon.

"We needed a home win bad," sabi ng guwardiyang si Mario Chalmers, na nagtala ng 11 puntos at 10 assists. "Everybody stepped up. I think we had six people in double-digits tonight. That's what we need from everybody, each and every game."

Gumawa si Norris Cole ng 15 para sa Miami, na wala ang isa man sa dati nitong Big Three -Wade, Chris Bosh o LeBron James - sa unang pagkakataon sa 154 laro. Sumala si Bosh sa kanyang ikalimang sunod na laro dahil sa left calf strain, habang si James ay nagbalik na sa Cleveland, na bibisita sa Miami sa Pasko.

Si Tyler Zeller ay umiskor ng 22 para sa Boston, na unang nanalo ng tatlong sunod. Sina Jeff Green at Kelly Olynyk ay kapwa nagbigay ng 13 puntos.

'They made a lot of big shots - kind of deflating shots," ani Zeller. "We did a good job trying to push back. We just have to get over that hump and tie the game or (go) ahead."

Nakuha ng Boston ang unang basket ng laro, ngunit hindi na sila nakalamang ulit. Naiskor ng Miami ang sumunod na siyam na puntos, lumamang ng 10 sa halftime at matapos makalapit ng Boston sa lima sa ikatlong yugto, nagkaroon ang Heat ng 9-0 run upang itayo ang 65-51 abante.

Lumapit sa walo ang Boston sa natitirang 5:54, ngunit isang 3-pointer ang pinakawalan ni Ennis at sinundan ito ng isang slam sa sumunod na possession ng Miami at napanatili ng Heat ang kontrol sa kabuuan ng laban.

Nakuha ng rookie na si Marcus Smart ang kanyang unang start bilang point guard para sa Boston, na nagsasanay pa rin matapos ang trade na nagpadala kay Rajon Rondo sa Dallas at sina Jameer Nelson, Brandan Wright at Jae Crowder naman sa Celtics.

"We're all guessing a little bit, especially with the new guys. This is a little bit of an exploratory time for us," pahayag ni Celtics coach Brad Stevens. "We don't get the chance to do that during practice. We have to do that during games."

Resulta ng ibang laro:

Toronto 118, New York 108

Cleveland 105, Memphis 91

Brooklyn 110, Detroit 105

Philadelphia 96, Orlando 88

Sacramento 108, LA Lakers 101

Phoenix 104, Washington 92

Indiana 100, Minnesota 96

New Orleans 101, Oklahoma City 99