Andi-

NAGING open sa kanyang saloobin si Andi Eigenmann sa pagsasabing iniyakan niya ang larawan ng ex-boyfriend na si Jake Ejercito kasama ang nababalitang bagong non-showbiz girlfriend nito na si KC del Rosario, ang

kumabog sa puso ng tisoy na binata.

Naging viral sa social media ang photos nina Jake at KC at sinabi ng Kapamilya star na bago pa man daw niya nakita ang larawan ng dalawa ay alam at nararamdaman na niyang non-showbiz na gaya ni KC ang ipapalit sa kanya ng ex-president’s son.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Bago pa lamang daw kasi sila maghiwalay ni Jake, nalaman na ni Andi na nagpapalitan na ng text messages ang dalawa, at kahit noong very much magon pa sila ni Jake.

“Kami pa nu’ng summer, meron na silang something,” aniya, kaya hindi sa social media ang unang pagkakataon na nalaman niya ang tungkol sa pagkakamabutihan ng dalawa.

Pero ang naturang photo ang naging patunay na itsa-puwera na siya sa buhay ng poging anak nina Mayor Joseph Estrada at Laarni Enriquez.

Pero nilinaw ni Andi na walang overlap o hindi sila pinagsabay ni Jake.

“It wasn’t that it overlapped. While we were still together, nakita ko na kasi ‘yung exchange of messages nila. So, parang alam ko na. Pero hindi ko inexpect na ‘pag naghiwalay kami ni Jake, talaga palang magiging sila. Hindi ko in-expect.”

Pahayag pa ni Andi, hindi si KC ang dahilan kung bakit ‘di sila nagkabalikan ni Jake kahit pa sinusuyo siya nito no’ng pag-awayan nila ang tungkol sa mga nai-post na larawan ng dalawa sa social media.

“It wasn’t the reasons why we will never get back together because hiwalay naman na kami. Wala namang masama du’n. He has his own life and if that’s what he wants, but definitely we won’t get back together because of that,” sey pa ng halata namang bitter-bitter-an na si Andi.