KRIS-Aquino-copy1

HUH? Ano na naman ‘yan? Kalurx.”

Ito ang eksaktong sagot ni Kris Aquino nang tanungin namin kahapon tungkol sa isyung iniwasan niya si German Moreno sa presscon ng Feng Shui 2 na entry ng Star Cinema at Kristina Cojuangco Aquino Productions sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Bagamat itinanggi na ang isyung ito ng taga-Star Cinema kay Katotong Jimi Escala, na walang dahilan ang Queen of All Media para iwasan si Kuya Germs, at inilabas kahapon ay hindi pa rin tumitigil ang isyu at marami ang naniniwala.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa ni Kris sa mensahe niya sa amin kahapon, “Dedma na Regg, not worth the stress. Unlike Coco (Martin), I have a daily morning show kasabay ng shooting ng movie.

“Kaya nga naospital na ako sa exhaustion at tumaas pa BP (blood pressure) ko. Kung hindi ko nagawa lahat ng promo, it’s because I’ve really been stretched to my limit.”

Oo nga, in fairness sunud-sunod ang ratsadang tapings at backpack production ng Queen of All Media sa KrisTV, na sumabay nga sa shooting ng Feng Shui kasabay pa ng Aquino & Abunda Tonight nila ni Boy Abunda at may The Buzz pa tuwing Linggo bukod pa ‘yung ibang commitments sa bagong business at sa commercial shoots niya.

Hangga’t kaya ay sinisipot niya ang A&A Tonight at The Buzz dahil nahihiya siya kina Kuya Boy at Toni Gonzaga na kasama niya sa programa.

Nanghinayang nga si Kris dahil hindi niya nasipot ang kasal ni Dominic Hernandez na partner niya sa Chow King Alimall noong Sabado, Disyembre 20 na ginanap sa Cebu City.

Matatandaang hindi rin niya nasipot ang kasal nina Bianca Gonzales at JC Intal sa Palawan.

Iisa ang tanong ng lahat, masisipot na kaya ni Kris ang kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Disyembre 30?