LONDON (AFP) – Pinatay ng grupong Islamic State ang 100 dayuhang mandirigma nito na nagtangkang tumakas mula sa kanilang headquarters sa lungsod ng Raqqa sa Syria, iniulat ng pahayagang Financial Times.

Ayon sa isang aktibistang kumukondena sa IS at sa rehimen ni Syrian President Bashar al-Assad, nagawa niyang “verified 100 executions” ng mga dayuhang mandirigma ng IS na nagtangkang umalis sa de facto capital ng grupo.

Sinabi ng mga mandirigmang IS sa Raqqa na bumuo sila ng military police upang parusahan ang mga dayuhang kasapi na hindi nagtatrabaho.

Oktubre ngayong taon nang iulat ng British press na limang Britons, tatlong French, dalawang German at dalawang Belgian ang gusto nang umuwi makaraang magreklamo sa pakikipaglaban sa iba pang grupong rebelde sa halip na sa mga tauhan ni Assad. Ipiniit sila ng IS.
National

‘Pinas, ‘di makikipagtulungan sa ICC hinggil sa ‘interim release’ ni FPRRD – PCO Castro