Pamilya-Lim-Ranillo

NAKASAMA kami sa pa-dinner ng negosyanteng si Nino Lim para sa Atayde family sa pangunguna nina Papa Art, Sylvia Sanchez, Arjo at Ria at best friend Rohn Romulo sa Lawry's Prime Rib sa Beverly Hills, California nitong nakaraang Lunes.

Si Nino ang napangasawa ng aktres na si Krista Ranillo at may tatlong anak na sila sa loob ng limang taong pagsasama sa US.

Nakasama namin sa dinner ang buong pamilya ni Krista sa pangunguna ng amang si Mat Ranillo III, mommy at kapatid.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi itinanggi ni Matt na sobrang nami-miss na niya ang showbiz at inamin naman ng asawa niya na may offers ang aktor at dahil hindi puwede ay napupunta kay Tirso Cruz III ang role.

Limang taon na ring nakatira sa Amerika ang magulang at kapatid ni Krista at hindi rin daw sila basta makauwi ng Pilipinas dahil kasama sila sa pag-aalaga sa mga apo kay Krista.

Samantala, hindi naman nagbabago si Krista dahil maganda at seksi pa rin. Walang-wala sa itsura niya na may tatlong anak na siya at inamin ding gusto uli niyang bumalik sa showbiz, pero matatagalan pa raw dahil tatlong maliliit na tsikiting pa ang inaalagaan niya.

Halatang masaya at kuntento sa buhay si Krista dahil parating nakangiti at naobserbahan din namin na asikaso siyang mabuti ng negosyanteng asawa na siyang nagmamay-ari ng lahat ng Island Pacific Supermarket na pawang Pilipino products ang paninda at maraming sangay sa iba’t ibang panig ng Amerika.

Mayaman ang asawa ni Krista kaya wala na ring dahilan para mag-showbiz siya dahil halos lahat naman ng gusto niya ay nakukuha niya.

In fairness, ang guwapo ng mga anak na lalaki nina Krista at Nino na puwedeng-puwedeng mag-artista.

Pero mukhang malabong mag-showbiz ang mga bagets dahil nang tanungin si Nino ni Sylvia kung ipapasok niya sa pag-aartista ang mga anak ay kaagad itong nagsabi ng, “Hindi, mag-aaral sila at magnenegosyo.”

Mukhang mahigpit na tatay si Nino dahil palibhasa babae ang bunsong anak nila ni Krista ay nagbiro siyang, “Nakakahinayang, aalagaan mo, ‘tapos liligawan lang, kaya hindi puwede.”