MACAU (AFP) – Nagbabala kahapon si Chinese President Xi Jinping sa Hong Kong at Macau na huwag kalilimutang bahagi ang mga ito ng “one China”, habang mariing nananawagan ng malayang eleksiyon ang mga pro-democracy campaigner sa dalawang teritoryong semi-autonomous.

Sa kanyang dalawang araw na pagbisita sa Macau, nagbabala si Xi sa dalawang estado laban sa “misguided approach”.

“We must both adhere to the ‘one China’ principle and respect the difference of the two systems,” sinabi ni Xi sa inagurasyon ni Macau Chief Executive Fernando Chui.
National

Abalos, tiwala sa kakayahan ni bagong DILG Sec. Jonvic Remulla