Pormal nang inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang commemorative coins para sa ilang makasaysayang okasyon ng bansa.

Kabilang sa inilabas ang P10 para sa ika-150 taong kaarawan ni Apolinario Mabini, P5 para sa 70th anniversary ng Leyte Gulf landing, at ang P50 at P500 para sa Papal visit sa susunod na taon.

Ang perang barya ang palaging nakikita ng mga karaniwang tao sa araw-araw kaya malaking bagay ito upang maipabatid ang mahahalagang bahagi ng kasaysayan.

Inaasahang makikita ang mga ito sa merkado sa mga susunod na araw.
National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'