MUSUSUNDAN na ang anak ni Ashlee Simpson.

Ang 30-anyos na bagong kasal kay Evan Ross noong Agosto 31, ay magkakaroon na ng una nilang anak, ayon sa isang source ang nagkumpirma nito sa Yahoo. Si Ashlee ay may isang anak, si Bronx, na ngayon ay anim na taong gulang na, sa dating asawa niya na si Pete Wentz.

Nitong nakaraang buwan, ang 26-anyos na Mockingjay star ay nagpahaging sa E! News na maaaring paparating na ang sanggol sa kanyang buhay. “We’re working on it,” sambit ni Ross sa premiere ng The Hunger Games . “I would like it. As many [kids] as possible!”

Nagpasyang magpakasal sina Ashlee at Evan noong Labor Day weekend na ginanap sa Diana Ross’s Greenwich, Connecticut matapos ang isang taong relasyon bilang magkasintahan. Ang ina ni Evan ang namuno sa kanilang pagpapakasal at kumanta ng Endless Love sa kanilang reception.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sinabi ni Miss Ross sa The Insider With Yahoo na ang “wedding went perfectly,” sinabi rin niya na “We had a beautiful rainbow surrounding us, loving family and friends, great music, great speeches from caring friends, and joyful children dancing the night away... Wishing Evan and Ashlee congratulations. I want only love, happiness, joy for my son and his bride.” - Yahoo News/Celebrity